Author’s Note (2026)
Reading this today, I remembered a season when I carried more than I could say. I smiled, worked, and kept moving, but my heart was heavier than I let others see. Looking back, I’m grateful that God heard the prayers I couldn’t even put into words. He carried what I couldn’t.
January 12. 2019
Yung naiisip mo, bakit hindi ka tinatantanan ng alalahanin. Overthinking ba yun?
Hindi ba dapat iniisip talaga ang pera para sa pampasweldo at pagpapatuloy ng projects na napabayaan? Eto yung mga pagkakataon na alam mong wala nang pagkukuhanan o kulang na yung pagkukuhanan dahil lugi na, pero kelangan mo pa ring ituloy.
Tapos magpipilit kang ibaling na lang sa mga kwentong lovelife ng anak mo. Totoo namang nakakatulong, pero minsan nahihirapan ka rin dahil meron kang mga pamantayan na hindi mo maipilit. Bakit? Ayaw mong mainis ang anak mo…
Tapos madadagdag ang alalahanin sa mga pinapakitang kilos ng isa pang anak mo na kakaiba sa paningin mo. Ayaw mo na tuloy sabihin ang mga bagay na bumabagabag sa ‘yo. Gusto mong sarilinin na lang para di na sila mag-alala.
Magaling akong magdala. Magaling akong magpakita ng saya. Parang wala akong problema at parang wala akong inaalala. Pero, eto ako at hindi makatulog. Mabigat sa dibdib…
Papakalmahin mo ang sarili at sasabihin. “‘Wag kasing isipin. Baka ka magkasakit. Hayaan mo lang ang mga bagay-bagay”.
Pagkatapos. Kokontrahin mo ang sarili mo…
“Pero kapag dumating na naman ang suliranin, ikaw din naman ang mag-aayos. Kung kelan sagad na naman, saka ka kikilos at magsasalita.
Sasabihin mo, “Bakit ba di ko pa sinabi nun?”
At sa huli, uusal ka ng dalangin, “Panginoon, kung di ko masabi dahil pipigilin ko, bahala KA na po...”